Friends.
Araw-araw nila akong pinapasaya. Di nila ako iniiwan. Laging andyan at dinadamayan ako. Napakalaki ng natutunan ko sa kanila. Pero naranasan mo na bang pagalitan ng iyong mga magulang dahil sa mga kaibigan mo? Madalas kong maranasan ‘iyan. At, sa bawat salitang masasakit na binibitawan ng nanay ko, nasasaktan ako at dinadaan ko nalang sa iyak. Sobrang sakit talaga. Di ko na matiis kaya sinabi ko to kay mama “Bakit? Ang damot mo naman, Ma! Gusto mo sainyo lang ako? Hindi nyo nga alam na nasasaktan na ako pero pili mo parin akong hinihiwalay sa kanila? Akala ko ba gusto nyo na masaya ako? Minsan na nga lang akong sumaya, at yun ung mga panahon na kasama ko sila! Hayaan mo na ako, Ma. Hindi naman ako nagpapabaya eh”
-
awsmsihoneylae posted this