Pa iba iba ako ng emotions ngayon. Minsan Masaya, minsan naman halos mangiyak-ngiyak sa sobrang lungkot.
Masaya ako pag nakikita ko sya, yung ngingiti kaming dalawang ng patago sa sobrang kilig. Lalong lalo na pag nagde-daydream ako sa classroom. Minsan napapagalitan na ako ng mga teachers ko kasi lagi daw akong nakatulala at ngingiti at minsan tatawa pa nga. Eh kasi naman binabalikan ko lang yung mga kilig moments na nangyari dati. Nung di pa sya highschool. Nung hindi pa kami mag kahiwalay ng school.
Malungkot naman kapag ang napakaliit na problema lang naming dalawa eh nauuwi sa takutan tungkol sa break ups. Mas lalong masakit kasi heartrob sya sa school nila. Eh madaming ~pHoKPh0kaNdmEl3l3ndI~ dun sa kanila. Edi syempre di mo maiiwasang mag isip ng kung anu ano kaya minsan nauuwi nalang sa paghihinala. One time nga, nagkaroon kami ng mis understanding, may nagsabi daw kasi na may gf sya. Eh ako naman dun lang sa sulok nagiisip at umiiyak kasi nasaktan ako. Pero nung kinausap ko sya, nagkalinawagan naman kami. Kaya ayun.~
-
prinsesaniprinsipe17 liked this
-
irisbaguinon said:
nadescribe ko na pala! :)))
-
awsmsihoneylae posted this